tila kandilang nauupos ang mga araw
sabay sa taghoy ng iyong mga tangis—
balon ng dalamhating pumapailanlang sa kawalan
ibulong mo ang iyong mga agam-agam
sa mga aninong nagkukubli sa kadiliman
sa bulag na bintana, sa piping pintuan
ang iyong mga mata, naghihingalong gasera
tuloy sa paglamlam sa indayog ng hanging
nagbabadya ng matinding unos na parating.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
ang bawat tunog at larawan sa tulang ito ay puno ng imahinasyong malankolohiko.
at ang bawat liriko ay buhay sa sarili nitong mga salita.
Post a Comment