mapangutya, nang-uuyam
ang liwanag na ibinabadya
ng bukang-liwayway
na tumatagos sa ating silid;
sa aking pagkatao;
sa aking mga kalamnang
puspos ng ligalig—
ligalig sa sandaling maupos na
ang alab ng iyong mga yakap,
at mamuti na ang aking mga labi—
ligalig
sa pagdating ng umagang
papanaw na ang dampi
ng iyong mga halik;
ang dantay
ng iyong mga bisig
sa aking dibdib
malamlam ang mga araw
na di ka kapiling
dito
sa loob ng parisukat
ng ating silid
maari bang dito ka na lamang—
manatili't huwag nang lumisan?
igapos mo ako sa iyong kalamnan;
heto ang kumot, halika
magsara ng bintana at kurtina;
magtalukbong tayo’t mamaluktot--
hanggang sa ang haring araw
ay sya nang lumubog.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
Tama, iyan ang buhay sa mundong parisukat.
:-)
--E
wow igapos sa kalamanan! LOL ang dami mo palang site ah!
hanep tagalog! hindi ako nagsusulat ng tula in filipino kasi corny ang kinalalabasan... hehe! but yours was artistically done... :)
Post a Comment